76

By

4Ps beneficiaries na hindi kumukubra, pinatatanggal sa listahan

Ipinaaalis na ni Bagong Henerasyon partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy sa listahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na hindi kumukuha sa Landbank ng kanilang buwanang ayuda mula sa gobyerno.

Para kay Herrera-Dy, ang hindi nagagalaw na nasa P15 bilyon na pondo ng 4Ps ay patunay na may sindikato, pandaraya at pagpapalobo sa mga nakakatanggap ng cash grant.

Tinukoy ng kongresista ang nadiskubre ng Commission on Audit (COA) na merong P10.746 bilyon na unliquidated balance of fund transfers sa Landbank.

Nasa P5.385 bilyon ang hindi nakokolekta mula sa over-the-counter payments mula 2013 hanggang 2017.

MayP1.323 bilyon sa account balances na hindi nawi-withdraw, habang P1.2 bilyon sa 1.89 million accounts ang may outstanding balances. 


Sabi ng mambabatas, kasabay ng paglilinis sa listahan o database para tanggalin ang aniya’y ghost beneficiaries, kailangan din na matukoy kung ano na ang nangyari sa mga benepisyaryo, halimbawa ay kung lumipat ng tirahan ang mga ito o kaya naman ay kung kuwalipikado pa sila na tumanggap ng 4Ps.


Iginiit ni Herrera-Dy na dapat maimbestigahan ito ng DSWD at panagutin ang sinumang mapatutunayang kasabwat sa modus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?