32

Jun 5, 2021 @ 22:21
By

4K trabaho, nagaabang sa DOLE-7 online job fair

Magdaraos ng isang online job fair ang Department of Labor and Employment Region 7 (DOLE-7) mula Hunyo 8 hanggang Hunyo 12.

Pinamagatang ‘Kalayaan’ online job fair, mahigit 4,000 trabaho ang naghihintay para sa mga residente ng rehiyon.

Ayon sa DOLE-7, mahigit 2,500 sa mga ito ay trabaho sa ibang bansa, habang nasa 2,000 ang mga trabahong lokal.

Karamihan umano sa mga bakanteng trabahong lokal ay customer service representative, customer support consultant, technical support representative, driver, conductor, at financial service expert.

Samantala, ang mga trabahong bakante sa ibang bansa ay registered nurse, nurse staff, waiter/waitress, agent airport service, general meat processing worker, tire fitter, cashier, cook, service crew, assistant waiter, at supervisor.

Sa link na bit.ly/workbank-dole7-jobfair dapat magpunta ang mga nais magkaroon ng trabaho.

Ang mga nais mag-apply naman abroad ay dapat ding makipag ugnayan sa POEA sa http://onlineservices.poea. gov.ph/OnlineServices/ POEAOnline.aspx.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?