15
computer-lab
By

4K public schools sa Luzon, Mindanao computerized na – DepEd

Sharing is caring!

Inihayag ng Department of Education (DepEd) na aabot sa 4,000 pampublikong paaralan sa Luzon at Mindanao na walang kuryente ang nakaranas na ngayon ng solar power at may Information and Communications Technology (ICT) packages pa.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones, tinatayang nasa 600,000 mag-aaral mula sa geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs) ang nakagagamit na ng computer laptop na mula sa solar energy.

Sinimulan ang programa upang matuto ang mga mag-aaral ng teknolohiya matapos ang matagumpay na paglunlunsad ng computerization and solar power project sa Basilan, Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Sa ngayon, panibagong mag-aaral mula sa Bagong Bayan Elementary School sa El Nido, Palawan ang nabahaian ng proyekto ng DepEd at United Nations Development Programme (UNDP).

Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng DepEd na palawakin ang kaalaman sa ICT upang maisulong ang kalidad ng edukasyon na kabilang sa target ng ahensya na madagdagan ang technical and vocational skills ng kabataan pagsapit ng 2030.

Paliwanag naman ni DepEd Undersecretary for Administration Alain Del B. Pascua, na ang karagdagang kaalaman sa teknolohiya ay magpapahusay sa kalidad ng edukasyon at nag-aalok ng malawak na posibilidad para sa kinabukasan ng mga kabataan.

Bukod sa pamamahagi ng ICT packages, sinusuportahan din ng UNDP ang pagpapatupad ng DepEd ng mga public financial management reforms at pagsasagawa ng diagnostic studies para sa development ng government and civil society partners.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }