5

By

4K pasahero stranded sa pier dahil kay Basyang

Sharing is caring!

Sa pantalan ipagdiriwang ng Ilan sa ating mga kababayan ang Valentine’s Day ngayong araw na ito matapos madagdagan pa ang bilang ng mga istraded na pasahero sa mga pier dahil sa bagyong ‘Basyang’

Sa pinakahuling tala ng Philippine Coast Guard ay umakyat na sa mahigit 4,000 pasahero ang nabalam ang biyahe sa iba’t-ibang mga pantalan dulot ng sama ng panahon.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) 4,108 na mga pasahero ang nasa mga pantalan sa Central, Eastern, Western at Southern Visayas; Northern Mindanao, at sa Palawan

Maliban sa mahigit 4,000 mga pasahero, stranded din ang nasa 924 na rolling cargoes, 130 na mga barko at 19 na motor banca.

Inaasahan naman na ngayong maghapon ay unti-unti nang makabibiyahe ang mga barko sa ilang mga pantalan.

Inalis na kasi ng PAGASA ang umiiral na tropical storm signal sa maraming lugar na naapektuhan ng bagyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?