61

Jan 4, 2018 @ 11:37
By

4K pamilya naapektuhan ni Agaton sa Visayas, Mindanao – DSWD

Nanakalabas na ng bansa ang bagyong Agaton ngunit may halos 4,000 pamilya ang patuloy na nararamdaman ang epekto nito.

Ito ay base sa pinakahuling datos na inilabas ng DSWD.

Sinabi ni DSWD officer in charge Emmanuel Leyco ang mga apektadong pamilya ay sa Regions 6,7,10 at Caraga.

Ang mga ito aniya ay patuloy na inaayudahan ng gobyerno sa 56 evacuation centers.

Tiniyak din ni Leyco na may sapat silang supply ng relief goods kung kakailanganin ng mga lokal na pamahalaan.

Sa ngayon aniya maging ang mga nasalanta ng mga bagyong Urduja at Vinta ay patuloy pa rin nilang binibigyang tulong. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?