21
bangus
By

4K kilo ng bangus, sabay-sabay iihawin sa Abril 30

Sharing is caring!

Siniguro ng City Agriculture Office sa Dagupan City na may sapat silang supply ng bangus na iihawin para sa “Bangusan Street Party” sa Venecia Road sa Abril 30.

Sa panayam kay City Agriculturist Emma Molina, sinabi nitong nasa 4,000 kilo ng bangus na ang itinabi simula pa noong Pebrero para sa taunang okasyon.

Kabilang umano sa magpe-perform sina Gloc 9, Six Cyclemind, X Batallion, Moira, Bamboo, Silent Sanctuary, December Avenue at maraming iba pa sa gaganaping Bangusan Street Party bilang parte ng Bangus Festival 2018 ng siyudad.

Nagsimula ang month-long Bangus Festival noong Abril 3.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?