13

Oct 15, 2020 @ 22:23
By

4K empleyado ng PAL mawawalan ng trabaho

Tuluyang mawawalan ng trabaho ang may 3,000 hanggang 4,000 na manggagawa ng Philippine Airlines (PAL) dahil sa epekto ng COVID pandemic.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na ipinaabot sa kanya ng mga opisyal ng PAL ang termination ng kanilang manggagawa.

Nakipagpulong aniya sa kanya ang mga PAL official noong Miyerkules, October 14, 2020 at iniabiso ang desisyon ng kanilang kompanya.

“I had a meeting with PAL, the officers of PAL and they inform me that they will be terminating about three to four thousand of their employees,” ani Bello.

Magkagayunman, sinabi ng kalihim na naibigay na ng kompanya ang 13th month pay ng mga ito bago alisin sa kanilang trabaho.

“They said they have already given their 13th month pay to their employees,” dagdag ni Bello.

Batay sa record ng DOLE, 3.5 milyon na mga manggagawa ang naapektuhan ng pandemya at halos 300,000 ang nawalan ng permanenteng trabaho dahil nagsarado na ang kompanya ng kanilang employer.

Sinabi ni Bello na 1.59 milyon ang pansamantalang na-displace na mga manggagawa subalit muling ire-rehire ang mga ito pagkatapos ng anim na buwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?