332
49 patay sa pamamaril sa 2 mosque sa New Zealand
By

49 patay sa pamamaril sa 2 mosque sa New Zealand

Umabot umano sa 49 na katao ang nasawi sa nangyaring mass shootings sa dalawang mosque sa Christ church.

Kinasuhan na ng murder ang isang lalaki na nasa 20s ang edad habang tatlo pa ang nasa kustodiya ng mga awtoridad.

“It is clear that this can now only be described as a terrorist attack,” saad ni Prime Minister Jacinda Ardern.

Maraming improvised explosive devices ang nakitang nakakabit sa mga sasakyan na nasa lugar.

Nagawa pa umanong i-video nang live ng gunman ang ginawa nito at nag-iwan ng mahabang racist manifesto kung saan niya sinabi ang kanyang motibo at tinawag ang mga biktima na “invaders”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?