45

Jul 9, 2021 @ 21:35
By

49% pamilyang Pinoy nagsabing mahirap – SWS

Lumabas sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) na 49% ng pamilyang Pilipino ang pakiramdam ay mahirap sila.

Sa April 28-May 2 survey, 33% pamilyang Pinoy naman ang nagsabing nasa gitna lamang sila o borderline poor.

17% pamilya naman ang nagsabing hindi sila mahirap.

Ang resulta ng bagong SWS survey ay hindi nalalayo sa November 2020 survey kung saan 16% ang nagsabing hindi sila mahirap, 48% ang nagsabing mahirap habang 36% ang borderline poor.

Isinagawa ang survey sa 1,200 adult Filipinos nationwide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?