70
arrested
Oct 13, 2017 @ 17:00

49 menor de edad dinampot sa Paranaque

Sabay-saba na nagsagawa ng magdamag na anti-crime operations ang pitong presinto ng Paranaque City police kagabi hanggang sa Biyernes ng madaling araw.

Nagresulta ito sa pagkakasagip sa 49 menor de dad na inabutan sa mga lansangan sa lungsod.

Bukod pa dito, 24 ang hinuli dahil sa pag-inom sa kalsada, 19 ang sinita dahil sa walang suot na damit pang itaas at anim ang inaresto dahil sa warrant of arrest.

Nabatid na 15 motorsiklo naman ang kinumpiska dahil sa ibat ibang paglabag.

Samantala, sa Pasay City, nalambat na ang number 1 most wanted person sa lungsod noong Huwebes

Isinilbi kay Anthony delos Reyes ang warrant of arrest nang magsagawa ng oplan galugad sa barangay 184. Nahaharap sa kasong frustrated murder si Delos reyes. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?