41

Jul 3, 2020 @ 22:15
By

48K litro ng langis, tumapon sa karagatan ng Iloilo

Abot sa 48,000 litro ng langis ang kumalat sa Lapuz, Iloilo City matapos na sumabog ang isang power barge nitong Miyerkoles.

Ayon sa Philippine Coast Guard, nagsasagawa na ng operasyon para marekober ang tumapong langis sa karagatan.

Samantala, abot naman sa 1,200 square meter ang tinatayang naapektuhan ng oil spill.

Nangyari ang pagsabog bandang alas-2 ng hapon sa isang tangke ng power barge na pagmamay-ari ng AC Energy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?