14

May 7, 2020 @ 14:41
By

4,847 pulis-Maynila binigyan ng bigas ni Isko

Binigyan kahapon ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso nang tig-25 kilong bigas ang may 4,847 miyembro ng Manila Police District (MPD) bilang ayuda sa ‘di matatawarang ambag sa panahon ng COVID-19 pandemic bilang mga frontliner.

Ayon sa alkalde, alam niya na hindi sapat ang 25 kilo na bigas pero gusto niyang ipaabot ang pagtanaw ng utang na loob ng pamahalaang lungsod sa malasakit na ipinakita ng mga kapulisan.

“As frontliners natin sa pagpapanatili ng peace and order sa sitwasyon ng lungsod, sila ay katulong o katuwang ng pamahalaang lokal sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine at curfew,” ayon kay Moreno.

“The MPD policemen under Gen. Rolly Miranda are also working above and beyond their normal workload in these trying times, specially during hard lockdowns that we were constrained to implement. We cannot thank them enough,” dagdag pa ni Moreno.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Miranda na ang ipinakikitang suporta ni Moreno at pagtanaw ng utang na loob ay nagpapataas ng moral ng mga pulis.

Sinabi pa ni Miranda, inspirado na magtrabaho ang mga pulis dahil sa ipinakikitang kasipagan sa trabaho at ehemplo ni Moreno.

Nabatid na hindi nakakalimutan ni Moreno na magbigay ng monetary rewards sa sinumang pulis na nakakahuli ng mga kriminal at malimit na binibigyan ng pagkilala ang mga pulis sa kanyang mga live broadcast.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?