35

Jan 4, 2018 @ 12:01

48 patay sa bumulusok na bus sa beach ng Peru

Nasa 48 umano ang patay matapos salpukin ng tractor trailer ang isang bus na bumulusok naman sa batuhan ng tabing-dagat sa Peru.

Dumaan sa makitid na kalsada na kilala bilang ‘Devil’s Curve’ sa Pasamayo, hilaga ng Lima, ang bus na lulan ang may 57 indibiduwal nang masalpok ng tractor trailer at bumulusok sa batuhan sa beach, ayon kay Claudia Espinoza ng Peru’s voluntary firefighter brigade sa AP.

Nagpagulong-gulong ang asul na bus sa lugar at tumilapon ang mga wala nang buhay na katawan ng mga biktima sa batuhan.

Naging komplikado ang pagsagip sa mga biktima, ayon pa kay Espinoza, dahil walang direktang daanan patungo sa tabing-dagat.

Kinumpirma ni Col. Dino Escudero, pinuno ng police’s highway patrol division, sa AP na 48 katao ang namatay habang tatlo pa ang nawawala.

Sabi ni Transportation Minister Bruno Giuffra, lumabas sa inisyal na ulat na parehong mabilis ang takbo ng dalawang sasakyan nang magbanggaan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?