261
PBA Abante commissioner
Dec 10, 2018 @ 16:54
By

48 nangangarap makuha sa PBA; Parks, Perez, Bolick una sa listahan

May 48 na manlalaro ang unti-unting lumalapit sa kanilang pangarap na makapaglaro sa Philippine Basketball Association (PBA).

Pangungunahan nina Bobby Ray Parks, Jr., CJ Perez at Robert Bolick ang 2018 PBA Rookie Draft ngayong Linggo sa Robinson’s Place Manila.

Bukod sa kanila, kabilang din sa nagpasa ng kanilang aplikasyon sina Trevis Jackson, Matt Salem, Bong Quinto, Robbie Manalang, Abu Tratter, JP Calvo, Michael Calisaan, Teytey Teodoro, Javee Mocon, CJ Isit at Kyles Lao.

Sa pag-extend ng deadline, nagpasa rin ng kanilang aplikasyon ang mag ace University of the Philippines na sina Paul Desiderio at Diego Dario matapos ang UAAP.

Sasailalim sa dalawang araw na Draft Combine ang lahat ng rookies para kumpletuhin ang kanilang eligibility sa pagtalon nila sa professional league.

Magsisimula combine sa Disyembre 12 hanggang 13 sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong at sa Disyembre 14 naman ilalabas ang final list.

Ang Columbian Dyip ang nakakuha ng top selection ngayong taon, sinundan ng NorthPort, Phoenix at Meralco.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?