17

Oct 9, 2021 @ 15:36
By

47K sasabak sa lokal na posisyon – Comelec

Umabot umano sa mahigit 47,000 ang mga inihaing certificate of candidacy (COC) mula Oktubre 1 hanggang 8 para sa mga tatakbo sa lokal na posisyon, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Sa mga ito, 35,636 ang tatakbong konsehal ng bayan o lungsod, 3,968 ang pagkabise alkalde, at 4,486 para sa pagka-mayor.

Samantala, 1,951 ang naghain ng COC para maging bokal, 226 sa pagkabise gobernador at 281 sa pagka-gobernador.

Bukod dito, nasa 733 naman ang tatakbong kinatawan ng distrito.

Ang simula ng kampanya para sa mga lokal na posisyon ay mula Marso 25, 2022 hanggang Mayo 7, 2022.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?