31

Oct 25, 2020 @ 17:35
By

47K Bicolano nilikas sa bagyong Quinta

Abot na sa 47,646 na residente ng Bicol region ang kinailangang i-evacuate dahil sa banta ng bagyong Quinta.

Karamihan ng mga pamilyang nilikas ay mula sa Camarines Sur na prone sa mga land slide, baha at iba pang kalamidad.

Binabantayan din ang ilan pang lugar dahil sa pangambang pananalasa ng severe tropical storm.

Sa Catanduanes naman, nasa 71 pamilya ang nilikas, ayon kay disaster office head Jerry Beo.

Lampas 1,100 pamilya naman ang pinaalis muna sa mga bayan ng Guinobatan, Malinao, Camalig at Manito sa Albay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?