9

Jan 16, 2021 @ 20:24
By

47 tennis player bagsak sa quarantine

Napuwersang sumailalim sa dalawang linggong quarantine sa isang hotel sa Melbourne ang 47 player matapos maitala ang tatlong coronavirus infection sa dalawang eroplanong sinakyan nila para sa Australian Open grand slam.

Ayon sa ulat ng The Tribune, dalawang dosenang player na dumating mula Los Angeles ang sumailalim sa quarantine matapos isang aircrew member at Australian Open participant, na hindi player, ang na-test na positibo sa coronavirus.

Kalaunan ay isa pang non-player passenger sa flight mula Abu Dhabi ang nagpositibo, na nagtulak sa mga organizer na isailalim na rin ang 23 pang player sa hotel quarantine.

Inilipat naman ang tatlong nagpositibo sa isang health hotel.

Hindi maaaring lumabas ng kanilang hotel room ang mga player sa loob ng 14 araw at hindi rin maaaring magpraktis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?