45

Dec 20, 2017 @ 10:17
By

47 Koreano pina-deport ng BI

Apatnapu’t pitong mga Korean na karamihan at wanted sa kasong swindling at internet fraud ang ipinatapon ng Bureau of Immigration sa kanilang bansa.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang mga dayuhan ay ipinadeport noong December 14, 2017.

Apat na pu’t lima sa mga deportee ay bumiyahe sakay ng Jeju Air Flight mula Ninoy Aquino International Airport (NAIA), habang ang dalawang iba pa na naaresto sa Cebu ay ipinadeport din sa kaparehong araw.

Sinabi ni Morente na inilagay na rin ang mga dayuhan sa blacklist of undesirable alien.

“All of them were expelled pursuant to deportation orders issued by our board of commissioners and they were all placed in our blacklist of undesirable aliens to prevent them from re-entering the Philippines,” saad ni Morente.

Aniya, isinagawa rin ang deportation para mapaluwag ang detention facility ng BI sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City lalu pa’t ilan sa mga dayuhan ay “overstaying” na sa mga selda.

“We have secured the necessary clearances to make sure that they have no pending civil and criminal cases before our courts,” dagdag ni Morente.

Ipinaliwanag naman ni Mangrobang na ang mga deportee ay naaresto sa magkakaibang operasyon sa nakalipas na ilang buwan ng BI-Fugitive Search Unit. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?