12

47 katao sumama ang pakiramdam sa chemical leak sa Davao

Sharing is caring!

Naapektuhan ang may 47 residente kabilang na ang mga bata matapos makalanghap ng mabaho at masangsang na amoy sa Barangay Sasa sa Davao City.

Ayon sa ulat, agad na inilikas ng mga tauhan ng Central 911 ang mga naapektuhang residente sa Purok Senior Sto. Niño dahil umano sa naamoy na tumagas na kemikal.

Sa ginawang imbestigasyon, natagpuan ng mga pulis ang 15 bote ng Jalem 500 EC na isang agricultural chemical na nakabaon sa isang private compound sa lugar.

Mababaw lang umano ang pagkakabaon sa mga bote dahilan para sumingaw ito at maamoy ng mga residente dahil basag ang isa sa mga ito.

Dinala na sa Environmental Management Bureau ang mga naturang bote na inilagay sa selyadong lalagyan para sa proper disposal habang nalinis na ang nasabing lugar mula sa mga kemikal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?