36
Palasyo ‘di magso-sorry sa mga naapektuhan ng pagsara ng lotto
Feb 6, 2020 @ 14:25
By

47 katao naka-jackpot sa PCSO lotto noong 2019

Ipinagmalaki ng pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na kumita sila ng P44-Bilyong piso mula sa mga tumatangkilik ng lotto at digit games na kung saan ay nasa P2.4-B ang nailabas mula sa 47 Lotto jackpot winners.

Ayon kay PCSO General Manager (GM) Royina M. Garma, dahil sa lotto ay marami ang nakinabang. Marami rin ang nagbago ng buhay at marami ang natulungang maysakit.

“PCSO is going through a lot of changes, but it is for the better, for the Agency to offer more, to generate more revenues and serve better our countrymen, especially those who are really in dire need,” ayon kay Garma matapos ihayag ang kanilang annual report.

Paliwanag ng PCSO, nagamit ang pondo para sa Individual Medical Assistance Program (IMAP) na isang medical assistance program na sumasagot sa hospitalization at medical expenses ng mga lumalapit sa PCSO na kung saan nasa 517,696 patient nationwide ang natulungan noong 2019 at nilaanan ng P6-B.

Sa pamamagitan naman ng Medicine Donation Program, nagkapaglaan ang PCSO ng P5-B at P110-M naman sa Integrated Health for Overall Productivity and Empowerment (I-HOPE), P106-M sa medical transport vehicle donation program at P65-M sa procure medical equipment.

Naglaan din ng pondo noong 2019 ang PCSO para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) Health Facilties Capability Building Program na nagkakahalaga ng P204-M.

Nasa P158-M naman ang nailabas para sa Calamity Assistance Program na tumulong sa 817,654 Filipinos na naapektuhan ng natural and human-induced calamities na tulad ng bagyo, lindol at sunog,

Kasabay nito ang nasa 57 Malasakit Centers ang naitayo at natulungan ng PCSO sa pamamagitan ng pondo mula sa kanilang gaming product.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?