139

Nov 3, 2017 @ 17:23

47 bagong traffic enforcer, ikakalat sa Edsa

Sumentro sa disiplina ang pagtuturo at pagsasanay sa bagong 47 traffic constables ng Metropolitan Manila Development Authority.

Kanina ay nagsipagtapos ang mga bagong traffic constables at si Leah Garcia ang naging nanguna sa klase.

Sinabi ni Bong Nebrija, operations supervisor ng MMDA, nagsimulang magsanay ang mga traffic constables noong Oktubre 17 at natapos nila ang kurso noong Oktubre 31.

Aniya, kasama sa pagsasanay sa kanila ang work attitude and values.

Samantala, si retired Col. Mosacala Lacsasa ang naging course coordinator.

Ngunit bago ang pagtatalaga sa kanila sa ibat ibang MMDA units ay pagbabantayin muna sila sa EDSA. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?