205
1K baboy inilibing nang buhay sa Antipolo
Sep 3, 2019 @ 13:21
By

47 alagang baboy tigok sa Bulacan

Bigla na lamang umanong nanghina at sunud-sunod na namatay ang 47 alagang baboy sa Malolos, Bulacan.

Napansin umano ng nag-aalaga ng baboy na bigla na lamang nanghina ang mga baboy, ayon sa ulat ng GMA News.

Makalipas ang ilang araw, nagsusunud-sunod na ang pagkamatay ng mga ito.
Agad naman umanong nilibing ng lokal na gobyerno ng Malolos ang mga hayop.

Nilinaw naman ng isang eksperto ng hayop na hindi dulot ng African swine fever ang pagkamatay ng mga hayop, kahit pa inaalam pa lang ang dahilan ng trahedya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?