48

Aug 23, 2018 @ 12:09
By

461 katao, binitbit ng MPD

Sa loob lamang ng 24 oras, umabot na sa kabuuang 461 ang bilang ng nahuli ng Manila Police District (MPD) na lumabag sa mga batas at city ordinances sa Maynila.

Ayon kay MPD Director P/Supt. Rolando Anduyan, mula alas-singko ng madaling-araw ng Agosto 21-22 sa kaparehong oras, naaresto ang mga lumabag sa batas.

Nagtala ng 196 na kaso ng lumabag sa smoking ban — ang ordinansang may pinakamalaking bilang ng nahuli kung saan 52 dito ay mula sa Police Station (PS) 11, sa ilalim ng pamumuno ni P/Supt. Carlito Mantala.

May 137 naman ang mga nahuling half-naked na palakad-lakad sa kalsada.

Nabatid na 58 ang nahuling umiinom sa mga pampublikong lugar kung saan 14 dito ay mula sa PS-10 .

Habang 69 naman sa 461 ang mula sa iba’t ibang kaso ng paglabag sa batas.

Isa namang menor de edad ang galing sa PS-4 ang lumabag sa curfew hours.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?