438

Jan 27, 2019 @ 20:40
By

45 toneladang basura nakolekta sa Manila Bay cleanup

Sandamakmak na basura ang sumambulat sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa naganap na Manila Bay cleanup na bahagi ng inilunsad na rehabilitasyon nito.

Ayon sa datos na inilabas ng MMDA nitong Linggo, kabuuang 45.59 tonelada ng basura ang nakolekta sa cleanup.

Tinatayang 5,000 katao ang nakiisa sa solidarity walk sa kahabaan ng Manila Baywalk area bilang hudyat ng paglulunsad ng proyektong i-restore ang bay na apektado ng matinding polusyon.

Ang naturang proyekto ay gagastusan ng P42,95 bilyon sa susunod na 3 taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?