65

Oct 14, 2021 @ 19:27
By

45% takot magsalita vs Duterte admin – SWS

Lumabas sa survey ng Social Weather Stations (SWS) nitong Miyerkoles na 45% sa mga Pinoy ang naniniwalang delikado ang magsalita laban sa Duterte administration kahit pa totoo ito.

Sa survey ay tinanong ang mga respondent ng: “It is dangerous to print or broadcast anything critical of the administration, even if it is the truth.”

Ginanap ito mula Setyembre 12-16 at may 1,200 respondents.

Ayon sa survey, 19% ang ‘di naniniwalang delikado magsalita ng totoo laban sa pangulo. Kaya naman, +26 ang net agreement score sa nabanggit na statement.

Sa kabilang dako, 42% ang nagsabing kaya nilang magsalita ng alinman laban sa pangulo ng bukas at walang takot habang 22% ang kumontra dito. Ang nakuha nitong net agreement score ay +20.

Mayroon namang 28% na undecided.

Nadiskubre din na pinakamarami ang naniniwalang hindi dapat paglabas ng alinmang kontra sa administrasyon sa Visayas, kung saan naitala ang net agreement score na +33.

Pinakamababa naman sa Mindanao na +15 lang ang naitalang net agreement score.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?