77

Dec 14, 2017 @ 15:20
By

45 SoKor fugitives pinalayas sa Pinas

Sakay ng isang chartered flight, ipina-deport ng Bureau of Immigration kahapon ang 45 South Koreans.

Sinabi ni Immigration Deputy Comm. Toby Javier nakatanggap sila ng request mula sa South Korean government na hulihin ang 45 dahil nahaharap na ang mga ito sa ibat ibang kaso sa kanilang bansa.

Banggit pa Javier karamihan sa kaso ng mga puganteng South Koreans ay mga cyber crimes, tulad ng voice phising, online estafa – swindling at economic fraud.

Dahil sa kanilang mga kaso, ang 45 ay sinundo ng mahigit 100 Korean police, na tauhan ng Interpol at International Crime Unit.

Nabatid din na umarkila pa ang awtoridad ng isang Jeju Air plane mula sa South Korea para sunduin ang mga pugante nilang kababayan.

Paliwanag naman ni Atty. Arvin Santos, chief ng Legal Division ng Immigration Bureau, dahil sa dami ng mga turistang Koreano ang bumibisita sa Pilipinas kayat kailangan na marami din South Korean police officer ang magtungo sa.bansa.

Sumama sina Javier at Santos sa South Korea para na rin makipag usap sa kanilang mga counterparts hinggil sa mga paraan na maiwasan na ang pagtatago ng mga wanted na Koreans dito sa Pilipinas. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?