52

Jan 1, 2018 @ 12:53
By

45 nadale ng paputok sa Maynila – MPD

Umabot lamang sa 45 ang kaso ng mga taong naputukang mula December 31, 2017 hanggang kaninang ala-sais ng umaga, January 1, 2018, ayon sa Manila Police District.

Ang pagbibilang ay bahagi ng pagbabantay ng MPD sa ilalim ng Ligtas Paskuhan 2017.

Labing-isa naman ang mga kaso ng iligal na pagbebenta at iligal na paggamit ng paputok.

Dalawang kaso naman ng stray bullet ang naitala ng MPD sa Jose Reyes Medical Center pero ang insidente ng pamamaril ay nangyari naman sa Lungsod ng Caloocan.

Dalawang insidente rin ng sunog ang nangyari mula kahapon na ang hinihinalang dahilan ay paputok.

Wala namang naitala ang MPD na insidente ng indiscrimate firing.

Sa kabuuan, sinabi ni MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo na naging mapayapa ang pagdiriwang sa Maynila ng Bagong Taon.

Sa kabuuan naman ng pagbabantay ng MPD sa panahon ng Kapaskuhan magmula noong December 16, 2017, umaabot sa 69 ang biktima ng mga paputok sa lungsod, 19 naman ang kaso ng iligal na pagbebenta at paggamit ng paputok at dalawa naman ang naaresto at isa ang pinaghahanap dahil sa indiscriminate firing. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?