15

By

45 magsasaka, kooperatiba, nagkasama sa TienDA Malasakit sa Taguig

Sharing is caring!

Dinumog ng mga mamimili ang samu’t saring paninda mula sa mga magsasakaka at kooperatiba ng agrikultura na ginanap sa TienDA Malakasakit sa The Lakeshore Hall, Barangay Lower Bicutan, Taguig City.

Ayon sa Department of Agriculture, katuwang nila ang lokal na pamahalaan ng Taguig City na kung saan ay nilahukan ito ng mga grupo ng mga magsasaka at kooperatiba mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nagbebenta ng kani-kanilang mga produkto.

Kabilang sa mga mabibili sa TienDA Malasakit store ay mga gulay at prutas, iba’t ibang uri ng mga isda, mga bigas at mais, exotic delicacies at marami pang iba.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?