32

Jan 4, 2022 @ 16:58
By

45 kawani ng Philippine Ports Authority positibo sa COVID

Tinamaan ng COVID-19 ang 45 kawani ng Philippine Ports Authority (PPA) matapos magpositibo sa ginawang regular testing ng ahensiya.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni PPA General Manager Atty. Jay Daniel Santiago na unang nakita sa testing noong Lunes ang 40 mga tauhan nila kaya agad na in-isolate ang mga ito.

Maghihintay aniya sila ng limang araw para masuri muli at malaman kung patuloy na mayroong sintomas ng COVID-19 ang mga ito.

“In-isolate na sila at naghihintay tayo, lahat naman sila ay asymptomatic at naghihintay tayo ng limang araw para makapag-antigen testing ulit sila para malaman kung patuloy pa rin silang positive o sila ay maging negative na. Kung saka-sakali sa loob ng limang araw ay magkaroon ng symptomatic sa kanila, ito ay ipapa-confirmatory RT-PCR testing natin,” ani Santiago.

Ang limang iba pang PPA employees na nagpositibo sa COVID-19 sa pamamagitan ng antigen test ay natuklasan lamang nitong Martes ng umaga.

Tiniyak naman ni Santiago na hindi mapaparalisa ang kanilang operasyon dahil kahit may mga nagpositibong kawani ay may iba pa silang mga tauhan na hahalili sa gawain ng ilang tinamaan ng COVID-19.

“Dito lamang po iyan sa head office natin sa Maynila at pati po dito sa Port of Manila at ina-assure naman po natin ang lahat ng mga nagta-transaction sa PPA na tuluy-tuloy po ang operasyon. Ni-recall po natin iyong ibang mga hindi naka-schedule na rotation this week, para mapunan po nila iyong pagkukulang ng mga tauhan natin na in-isolate po natin simula kahapon pa,” dagdag ni Santiago.

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?