59

Dec 18, 2017 @ 16:57
By

44K pamilya lumikas kay Urduja

Umaabot na sa 44, 369 na pamilya ang napilitang lumikas dahil sa epekto ng pananalas ang bagyong Urduja.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Romina Marasigan nasa 608 na evacuation centers ngayon ang mahigit 40 libong mga pamilya.

Ang mga pamilyang ito ay naitala sa Bicol region, Western Visayas, Eastern Visayas, Eastern Visayas, MIMAROPA region, at CARAGA region.

Nakalerto na rin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para magbigay ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Urduja.

Kung saan aabot sa mahigit 37 milyong pisong mga family food packs at non -food items ang naka-standby para ibigay sa apektadong pamilya. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?