102

Mar 3, 2020 @ 19:21
By

$447M dirty money pumasok sa PH sa 5 buwan – Gordon

Sa loob ng limang buwan, umabot sa $447 milyon o P22.69 bilyon ang pumasok na ‘dirty money’ sa Pilipinas.

Sa kanyang privilege speech, binunyag ni Senador Dick Gordon na ang naturang halaga ay pinasok ng 47 indibidwal kabilang ang ilang Pilipino mula Setyembre 2019 hanggang February 2020.

“A total of US $447 million or P22.69 billion was brought in by 47 individuals (including Filipinos) from September 2019 to February 2020,” pahayag ni Gordon.

Sa naturang halaga, ani Gordon, nakapagpasok ang ilang Chinese national ng mahigit sa $210 milyon o sa P10.6 bilyon.

“The total amount brought in by the Chinese individual was $210 million or P10.6B (46.98% of the total amount),” wika ni Gordon, chairman ng Senate blue ribbon committee.

Sa nasabing halaga, sapat na aniya ito para makabayad sa utang ng Pilipinas sa ilang bansa. Sa kasalukuyan, ang external debt ng Pilipinas sa ibang bansa ay umabot sa $82.67 bilyon.

Ang mga bansa naman na pinagkakautangan ng Pilipinas na mababa sa $500 milyon ay ang mga sumusunod: Australia (USD 596 million), Canada (USD 479 million), British Virgin Island (USD 205 million) at Luxembourg (USD 133 million).

“With the USD 500 million, PHL can pay its total debt to three countries,” sambit ni Gordon.

Ang mga dirty money na dinala ng mga Chinese at ilang mga Pilipino ay nagmula sa Hong Kong, Singapore at Bangkok, Thailand.

Sabi ni Gordon, ang pera ay dinideklara bilang foreign exchange, investment, travel and casino, business at travel.

Ilan sa mga Chinese na nagpasok ay nakilalang sina Kai Lung Choi ($9.8 million, 4 transactions), Kei Him Chan ($21 million, 7 transactions), Sheung neng Rony Hui ($24 million, 7 transactions), Wai Yip Leung (P17.8 million, 5 transactions), Chung Shing Wong ($26.6 million, 8 transactions) at Ka Hei Lee ($8.9 million, 3 transactions).

Ang iba pang Chinese ay sina Siu Piu Lam ($11M, 3 transactions), San Man Kong ($31M, 4 transactions), To Yim Leung ($6.5M, 2 transactions), Wai Fe Leung ($9.5M, 3 transactions) at Yan Wa Tsoi ($12.5M, 4 transactions).

Ang mga Pinoy naman na nagpasok ay Kevin Lester Dizon ($2.2M, 2 transactions), Simon John Dominguez ($2.9M, 4 transactions), John Josua Rodriguez ($32M, 40 transactions), Natasha Rodriguez ($11M, 15 transactions), Elizabeth Rodriguez ($34M, 45 transactions) at Janet Rodriguez ($20M, 28 transactions).

Ang iba pa ay sina Gloria Boivie ($16M, 22 transactions), Jonathan Embana ($2.2M, 3 transactions), Romulo Cadelina ($1.4M, 2 transactions), Arnaldo Paolo Hababag ($1.6M, 2 transations) at Emil Alfonso ($1.7M, 2 transactions).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?