89

Feb 26, 2020 @ 11:12
By

445 Pinoy mula Japan nakauwi na

Nakauwi na sa Pilipinas ang 445 na Pinoy na pinauwi mula sa Japanese cruise ship na M/V Diamond Princess.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), dakong alas-10:15 ng gabi (Pebrero 25) dumating ang unang 309 na Pinoy crew sakay ng eroplanong HANEDA, habang ang ikalawang batch naman na may 136 Pinoy ay dumating nang madaling araw sa Haribon Hanger sa Clark Air Base, Pampanga.

Sasailalim ang mga repatriate sa 14-araw na quarantine sa New Clark City sa Capaz, Tarlac upang matukoy na ligtas ang mga ito sa novel coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?