15

Apr 5, 2021 @ 13:40
By

44 nagpositibo: COVID kumalat sa palengke ng Ilocos Norte

Sinarado muna ang isang palengke sa San Nicolas, Ilocos Norte matapos na 44 katao ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay San Nicolas Mayor Alfredo Valdez Jr., posibleng dalawang linggo isara ang palengke sa kanilang lugar base sa rekumendasyon ng mga health expert.

Karamihan sa mga nagpositibo ay mga vendor matapos magsagawa ng swab testing sa lugar.

Ilan ding tanggapan sa kanilang municipal hall ang pansamantalang isinara dahil nagpositibo rin sa virus ang ilang empleyado.

Sa Ilocos Norte, aabot na sa 1,119 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19, 191 dito ang active case.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?