22

May 4, 2021 @ 21:37
By

43 opisyal ng BI, sibak sa puwesto

Sinesante na ng Bureau of Immigration (BI) ang 43 na mga opisyal nito na sangkot sa “outbound pastillas” scam, na sinasabing nagdulot ng ilegal trafficking ng mga Pinay patungong Syria.

Ito ang sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente sa gitna ng imbestigasyon ng senado tungkol sa nagaganap na illegal trafficking ng mga Pilipino sa nasabing bansa.

“The immigration officers about 43 of them…these people, including the others were already relieved from their post. That’s the action that I can take,” ani Morente.

Ayon pa sa kanya, ang pagpataw ng naturang parusa sa mga kawani ng ahensya ay base na rin sa rekomendasyon ng Department of Justice (DOJ), kung saan niya inendorso ang issue.

“I cannot just suspend these people. I have to only conduct the fact-finding committee, but I have endorsed it to the Department of Justice. Wala ho kasing administrative sanction na pwedeng gawin ang Commissioner dahil they are appointed by the DOJ and the suspension of these people rest in the authority of the secretary of Justice,” dagdag pa ni Morente.

Sabi pa ng commissioner, kabilang sa mga nirerekomendang kaso ng DOJ na isasampa sa mga nasesanteng kawani ng BI ang grave misconduct at gross neglect of duty.

Sinimulan noong Marso ang imbestigasyon sa mga opisyal ng BI na sangkot umano sa illegal trafficking ng 44 na Pinay sa Syria.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?