117
arrested
Oct 30, 2017 @ 14:54

43 kabataan dinampot sa Caloocan

Nasa 74 na katao kabilang ang 43 menor de edad ang pinagdadampot ng alagad ng batas matapos na lumabag sa ordinansa ng Caloocan City sa isinagawang “Oplan Rody” o Rid the Streets of Drunkards and Youths kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni Caloocan Police Chief Sr. Supt. Jemar Modequillo, ang mga naaresto nila ay mga lumabag sa city ordinance katulad ng mga paglabas-labas ng bahay na mga walang pang-itaas na damit at pag-iinuman sa kalsada sa mga Barangays 164, 156, 81 at 80.

Isa sa mga ito ay nahulihan pa ng isang plastic sachet ng marijuana sa kahabaan ng Rizal Avenue Extension na nasa kustodiya na ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lungsod ng Valenzuela.

Itinurn-over naman sa kanilang mga magulang kalaunan ang mga menor de edad na hinuli na dis-oras na ng gabi ay nasa kalye pa.

Pinag-push up naman ang mga dinampot na nasa legal age.

Bago tuluyang pinauwi ang mga nahuli ay binalaan ni Modequillo ang mga ito na simula umano Nobyembre, taong kasalukuyan, kakasuhan na sa korte ang mga lalabag sa batas habang hindi na ipasusundo sa mga magulang ang mga menor de edad at iti-turnover na lamang sa city social welfare and development. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?