19

Jun 20, 2020 @ 17:29

42K bibigyan ng trabaho ni Mayor Sara

Mag-e-empleyo ng 42,900 manggagawa ang local government unit ng Davao para sa mga nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa programang ‘Work for Davao’ ipapatupad ang cash-for-work scheme para magkaroon ng pansamantalang kita ang mga nawalan ng trabahong mga manggagawa.

Ayon sa program head na si Norman Baloro, mula June 22 hanggang December ay balak nilang kumuha ng mga tao na kanilang babayaran ng minimum wage na P396 kada araw.

Ang bawat worker ay magtatrabaho ng 10 araw, kung saan ilang sa mga gawain ay ang dengue awareness campaign sa mga komunidad; paglilinis ng mga public facility tulad ng parke, market, health center at opisina ng gobyerno; cleanup ng drainage canals sa Davao Bay; at pagtulong sa pagbubukas ng klase.

Kahit sino ay pwedeng mag-apply, ngunit uunahin ang mga nawalan ng trabaho mula sa mga negosyo na tuluyang nagsara sa lockdown. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?