8

By

42 puntos ni Embiid, bumalikat sa 76ers

Sharing is caring!

Nagpakitang-gilas ang Philadelphia 76ers star na si Joel Embiid matapos payukuin ang Charlotte Hornets sa overtime, 133-132, nitong Sabado ng umaga sa Pilipinas.

Kumamada ng 16 puntos sa fourth quarter ang Cameroonian native, sapat para mapanatiling lumalaban ang Philadelphia matapos makabalikwas ng Charlotte mula sa 21-point disadvantage.

Lamang pa ng lima ang Hornets, 1:18 minuto ang nalalabi sa game clock, ngunit naipilit ng 76ers ang extra period.

42 points at 18 rebounds ang kinamada ni Embiid, habang nakatulong naman ang 2017 Rookie of the Year na si Ben Simmons ng 22 points, 13 assists at walong rebounds.

Nawalan ng saysay ang 30 puntos ni Charlotte Hornets playmaker na si Kemba Walker, na umiskor pa ng 19 sa crucial period.

8-5 na ang kartada ng 76ers habang nasa .500 win percentage ang Hornets, 6-6.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?