28

Aug 22, 2021 @ 12:00
By

42 pang Pinoy ipit sa Afghanistan – DFA

Apatnapu’t dalawang Pinoy pa ang nakaantabay sa repatriation sa Afghanistan ayon sa Department of Foreign Affairs Philippines.

Ito ay matapos sakupin ng armadong grupo na Taliban ang Afghanistan matapos nilang kunin ang kontrol at kapangyarihan mula sa pamahalaan ng naturang bansa.

Batay sa kanilang situation bulletin, 158 Pinoy na ang nailikas nila samantalang 49 pa ang naipit doon.

Nitong Sabado, 30 Pinoy ang nailikas ng ahensya papuntang Pakistan, 5 papuntang Indonesia, at 10 naman papuntang Dubai, Doha, at Paris.

Anang ahensya, marami rin silang ipinalikas sa United Kingdom.

“All evacuated Filipinos who request to return to the Philippines will be assisted. The Department continues to work on the immediate extraction of the remaining Filipinos in Afghanistan,” anang DFA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,