18

Oct 11, 2021 @ 16:19
By

411 katao tinamaan ng Delta variant – DOH

Naitala ng Department of Health (DOH) ngayong Lunes ang 411 bagong kaso ng COVID-19 Delta variant sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mula ang datos sa latest sequencing ng 747 samples na nakolekta ng ahensya mula Pebrero, Abril, Mayo, Agosto at Setyembre.

Bukod dito, na-detect din sa bagong resulta ng latest genome sequencing ng DOH ang 88 Alpha variant cases at 78 kaso ng Beta variant.

Kasalukuyang pumalo na sa 2,666,562, ang kabuuang bilang ng nasapol ng COVID sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?