31

May 11, 2021 @ 14:55
By

41 points ni Clarkson, kinulang kontra GSW

Muntik pang maipanalo ni Utah Jazz sixth manJordan Clarkson ang laban kontra Golden State Warriors kahit pa natambakan na sila ng 18 papasok ng fourth quarter.

Sa unang tatlong yugto ng laban, nahirapan ang Fil-Am guard na makuha ang rhythm sa tres, sa siyam na tira ay isa lang ang pumasok.

Ngunit sa final canto ay nag-ibang anyo na si JC, kung saan biglang pumutok ang kanyang scoring at binuhat ang Jazz para mabura ang lamang ng Warriors.

Sa dulo, 10 magkakadikit na puntos ang ginawa ni Clarkson, naagaw pa ang kalamangan, 116-114, sa bisa ng three-pointer, 1:11 ang nalalabi sa game clock.

Ngunit doon na nagmilagro si Steph Curry kung saan sinalpak ang kanyang sariling bersyon ng tres at muling makuha ang kalamangan para sa GSW, 14.5 segundo na lang ang natitira sa laban.

Sinubukan ni Clarkson na makalusot ng layup, ngunit nailang sa bantay ni Kevon Looney at tuluyang nagapi ng Warriors, 119-116.

24 points ang kinamada ni Clarkson sa fourth quarter, 41 markers naman sa kabuuan ng laban.

“I just kept attacking and in the second half I just tried to will us to a win — to a comeback. I just kept continued to play and we had a chance to win the game, so I think it worked out,” ayon sa leading Sixth Man of the Year candidate.

Bagamat bigo, nanatili pa rin sa tuktok ng standings ang Utah tangan ang 50-19 record.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?