102

Dec 19, 2017 @ 14:54
By

41 katao nasawi dahil sa bagyong Urduja — NDRRMC

Apatnapu’t isang indibiduwal ang naitalang namatay dahil sa pananalasa ng bagyong Urduja.

Ito ay batay sa pinakahuling pagtaya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, tatlo sa mga nasawi ay naitala sa Masbate, isa sa Camarines Norte, lima sa Leyte, isa sa Eastern Samar, dalawa sa Samar, 28 sa Biliran at isa sa Surigao del Norte.

Nilinaw naman ni Marasigan na ang kanilang mga naitalang casualties ay beberepikahin pa ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Inaalam ng DILG ang partikular na sanhi ng pagkamatay ng 41 katao.

Nakapagtala rin ang NDRRMC ng 45 na nawawala missing, isa ay sa Camarines Sur, 11 sa Eastern Samar, 31 ay sa Biliran at dalawa sa Romblon.

Narekober din nang buhay ang mag-asawang natabunan ng lupa sa Romblon matapos ang nangyaring landslide sa lugar.

Umaabot naman sa 67 katao mula sa Samar at Leyte ang naitalangg sugatan dahil sa bagyong Urduja. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?