81
delfin-lorenzana
Jul 25, 2018 @ 18:49

40K rebeldeng MILF, susuko kapag naipatupad ang BOL

Ikinalugod ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pahayag ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) Chairman Al-Haj Murad Ebrahim na 30,000 hanggang 40,000 rebeldeng Moro ang magbababa na ng kanilang armas kapag naipatupad na ang Bangsamoro Organic Law (BOL).

Sinabi ni Lorenzana, ang balakin ng MILF fighters ay malaking tulong para sa hinahangad na ganap na kapayapaan sa Mindanao.

Dagdag pa nito, mas magiging produktibo ang Muslim Mindanao region, bubuhos ang pamumuhunan at magiging maayos na ang pagsasagawa ng mga imprastraktura.

Samantala, nangako naman si Lorenzana na patitindihin pa ang kanilang operasyon laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na naunang nagbanta na pag-iibayuhin nila ang kanilang mga pag-atake para iparamdam ang kanilang pagtutol sa BOL.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?