30

Apr 15, 2020 @ 19:08
By

40K donasyong PPE ng SMC, dumating na mula China

Nasa Pilipinas na ang unang 40,000 sets ng protective personal equipment (PPE) na donasyon ng San Miguel Corporation (SMC) para sa mga COVID-19 frontliner.

Ayon sa kumpanya, inarkila nila ang eroplano ng Philippine Airlines para iuwi sa bansa ang shipment na mula sa mga supplier sa China.

Ipamimigay ang mga PPE sa iba’t ibang ospital sa Luzon kung saan maraming kaso ng COVID ang naitala.

“We are very fortunate to have been able to buy this much PPEs. That is why when the opportunity to buy this much came, we grabbed it, and chartered a large aircraft to bring the supplies home,” sambit ni SMC president at chief operating officer Ramon Ang.

Naunang inanunsyo ng SMC ang paglalaan nila ng P500 milyong pondo para maarmasan ang mga health worker na nakikipaglaban sa krisis ng COVID-19 sa bansa.

Maliban sa mga PPE na mula sa China, bibili rin ang kumpanya ng inisyal na 10,000 PPE coveralls sa mga local garments manufacturer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?