46

Aug 2, 2020 @ 17:42
By

400K nurse agrabyado: Locsin suportado pag-alis sa HCW deployment ban

Kinatuwa ng maraming health care worker (HCW) ang pagtukod ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., sa lifting ng deployment ban sa kanila.

Ani Locsin, ito’y matapos ang naging pag-uusap nila ng Saudi Foreign Minister, kung saan sinabing nangangailangan ang Kingdom ng mas maraming nurse na Pilipino.

“I am not hoping for that. I am praying pleading, begging for the lifting of HCW deployment ban. Talked to the Saudi Foreign Minister—a great teacher, I learned so much from just that conversation—and he said that The Kingdom deeply appreciates our nurses and would like more,” tweet ng kalihim.

Dagdag ni Locsin, sinabi niya sa Saudi Foreign Minister na mayroong mahigit 400,000 na kuwalipikadong nurse sa Pilipinas pero walang trabaho at maliit lang ang sinasahod.

“And the elegance of the Saudis is that they do not wish to deprive us of nurses in a pandemic. But I said we have 400,000+ superbly qualified but unemployed, mis-employed, taken for granted, paid peanuts nursing graduates. So no worries on that score,” anang kalihim.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?