16

Sep 8, 2021 @ 9:44
By

400 pulis sapol ng COVID

Lumobo na sa 36,323 ang kabuuang bilang ng kawani ng Philippine National Police (PNP) na nasapol ng COVID-19 matapos maitala ang 422 bagong nakatikim ng virus nitong Martes.

Umakyat naman sa 33,714 ang bilang ng mga gumaling matapos maitala ang 174 bagong nakaligtas mula sa virus mula sa kanilang ahensya.

Nanatili naman ang kanilang death toll rate sa 108.

Sa ngayon, 2,501 na ang aktibong kaso ng COVID sa PNP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,