131

Aug 5, 2018 @ 13:25

400 kilo ng ‘botcha’ nakumpiska sa Divisoria

Nasamsam ng mga awtoridad ang tinatayang mahigit sa 400 kilo ng “double-dead” meat o botcha na ibinibenta sa kahabaan sa Recto Avenue sa Divisoria sa Maynila Linggo ng umaga.

Ayon kay Dr. Nick Santos, chief Manila Veterinary Inspection Board’s Special Enforcement Squad, nakatakas naman ang mga nagtitinda ng botcha nang matunugan ang pagdating nila sa lugar.

Nakalagay ang mga karner sa sako at pinaniniwalaang galing sa Bulacan. Naninilaw at nangangamoy diumano ang mga nakumpiskang karne.

Sabi ni Santos delikado umabo sa kalusugan ang pagkain ng botcha dahil posibleng malason ang kakain nito.

Ang mga nakumpiskang botcha ai ibabaon sa lupa, ayon pa kay Santos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?