84

Apr 21, 2021 @ 20:17

40 US website inasunto ng ABS-CBN

Nagsampa ang ABS-CBN ng $40 million lawsuit laban sa 40 website sa Amerika dahil sa content piracy, copyright at trademark infringement.

Ayon sa media giant, inihain ang lawsuit na may pamagat na “ABS-CBN v. 123Fullpinoymovieshub.com” sa Florida District Court laban sa 40 website dahil sa pamimirita sa mga content ng kompanya.

Kasabay nito ay nagbabala sa publiko si ABS-CBN assistant vice president for global anti-piracy Elisha Lawrence laban sa pagtangkilik sa mga piratang website dahil kadalasan daw ay naglalaman ito ng malware na makaka-infect sa computer.

“Watch our content on safe legitimate services such as ABS-CBN’s OTT platform iWantTFC and the TFC channel on all major cable and satellite providers,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?