23

Jan 7, 2022 @ 16:16
By

40 taon na magkasintahan? Bebot nagpakasal sa kulay na pink

Karamihan talaga ng batang babae mahilig sa rosas na kulay.

Pero kakaiba ang isang babae sa California, hindi niya lang kasi paborito ang kulay pink, kung hindi kasintahan niya pa ito sa loob ng 40 na taon.

Suot ang kulay pink na gown, pink na alahas at sapatos, pinakasalan ni Kitten Kay Sera ang nasabing kulay sa Las Vegas, nitong Enero 1.

Naglakad si Sera sa aisle habang dala ang higanteng swatch, na nagtatampok ng limang magkakaibang kulay ng pink.

Ibinahagi rin nito ang kaniyang singsing at cake sa Instagram.


Kwento ni Sera, dalawang taon na ang nakalilipas nakilala niya ang isang bata at tinanong siya nito:”You love pink, right?” tumango naman si Sera bilang pagsang-ayon. Pagkatapos ay iminungkahi ng bata sa kanya na kung mahal na mahal niya ang kulay, bakit hindi niya ito pakasalan.

Samantala, ipinangako ni Sera na pink na damit lang ang kaniyang isusuot hanggang kamatayan. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?