309

By

40 senatorial wannabes diniskuwalipika ng Comelec

Diniskuwalipika ng Commission on Elections (Comelec) ang may 40 katao na naghain ng kanilang certificate of candidacy (COC) para sa 2019 Senate race.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, hindi lang dahil nuisance candidates ang mga diniskuwalipika kundi may iba pang dahilan para sila maalis sa senatoriable list.

Samantala, ilalabas umano ang opisyal na listahan ng Senate bets at iba pang kandidato sa ikatlong linggo ng Enero dahil mag-iimprenta na sila ng mga balota.

Kabilang sa naghahangad ng re-election ay sina Sonny Angara, Bam Aquino, Grace Poe, Cynthia Villar, JV Ejercito, Nancy Binay at Koko Pimentel.

Samantala, target namang makabalik sa pagka-senador nina Juan Ponce Enrile, Ramon “Bong” Revilla Jr., Serge Osmeña III, Jinggoy Estrada, Pia Cayetano, Lito Lapid at Manuel “Mar” Roxas II.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?