19

Jun 21, 2021 @ 9:11
By

40 points na, triple double pa! Booker, Suns nakaisa sa Clippers

Hindi naging problema para sa Phoenix Suns kahit wala ang kanilang superstar point guard na si Chris Paul.

Sa kanilang Game 1 kontra Los Angeles Clippers, nagpakilala si Devin Booker sa LA nang magbuslo ng 40 points, dagdag pa ang 13 rebounds at 11 assists para sa kanyang unang triple double.

Malaki rin ang naging ambag ni Deandre Ayton na bumuhos ng 20 points at nine rebounds.

Samantala, inakay ni George ang Clippers sa kanyang 34 points, ngunit dama pa rin ang pagkawala ni Kawhi Leonard na na-injure sa kanilang serye kontra Utah Jazz.

Hindi naman nakapaglaro para sa Phoenix si Paul matapos itong magpositibo sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?